WALANG FAVORITISM SA PAMAMAHAGI NG PFIZER

PFIZER-BIONTECH

WALANG favoritism sa pamamahagi ng Pfizer COVID-19 sa iba’tibang bahagi ng bansa.

Ito ang tiniyak kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque, kaugnay sa napaulat na maraming ospital sa Davao City na hometown ni Pangulong Rodrigo Duterte ang makakatanggap ng Pfizer vaccines.

Sinabi ni Roque na kaya nakatatanggap ng Pfizer ang ilang local government units dahil sila ang may  sub zero cold storage facilities na  pangunahing storage requirement para sa mga bakuna ng Pfizer.

“Pfizer (vaccines) will be given in Metro Manila, Metro Cebu and Metro Davao because these are the only places which have subzero facilities needed for Pfizer,” giit pa ni Roque.

“So, there’s no preferential treatment, just the reality that Pfizer was made for first world conditions requiring -40 (degrees Celsius), I think, storage facilities. So the destination of Pfizer as of now is really Manila, Cebu and Davao,” dagdag pa niya.

Sa ngayon, mayroong 8 milyong doses ng COVID-19 vaccines ang bansa at sa bilang na ito, 193,000 doses ang Pfizer galing sa covax facility, habang 5 milyong doses naman ang Sinovac.

Sa ngayon ay pitong brands na ng COVID-19 vaccines ang aprobado ng Food ang Drug Administration at ito ay ang Pfizer,  Astrazeneca, Sinovac,  Gamaleya,  Janssen,  COVAXIN ng India at ang Moderna. EVELYN QUIROZ

49 thoughts on “WALANG FAVORITISM SA PAMAMAHAGI NG PFIZER”

Comments are closed.