WALANG FILIPINO SA NAGLIYAB NA EROPLANO

eroplano

RUSSIA – WALANG Filipino na nabiktima sa nasunog na passenger plane ng Russia makaraang mag-emergency landing ito sa Moscow kung saan mahigit 40 katao ang naitalang patay, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

“The Philippine Embassy in Moscow reported that there were no Filipinos among the 76 passengers on board the plane,” ayon sa pahayag ng DFA.

Sa ulat, 41 katao, kabilang ang dalawang paslit ang nasawi makaraang masunog ang eroplano nang pabalagbag itong nag-emergency landing sa Moscow airport.

Bukod sa 41 fatalities, 14  ang nasugatan at siyam ang kinailangang ma-confine.

Nagpaabot na rin ng pakikiramay ang DFA sa mga naulila ng mga biktima. EUNICE C.