MARAMING mga taon mula ngayon, tayo ay alikabok na lamang.
Wala na tayo sa mundong ito.
Ang ating mga pinagpaguran at inipong pera sa bangko ay iba na ang nakinabang, ang mga hinangad na bahay, sasakyan, alahas at lahat ng materyal na bagay ay wala nang saysay, ang mga plaque at tropeo ay naka-display lang sa sulok.
Dahil wala na tayo.
Sa ating pagpapanaw, ang mga nagmamahal sa atin ay malulungkot, ngunit mga ilang buwan lamang iyon na tayo ay aalalahanin.
Makakatagpo na sila ng bagong kasama at mamahalin kapalit natin.
Maalala na lamang tayo sa larawan, sa mga ibinigay o iniregalo natin sa kanila at sa memories mula sa social media.
Iyan ang katotohanan.
Lahat ng bagay, katanyagan at kayamanan ay pansamantala lamang.
Pero ang tunay na mahalaga ay ang buhay, paghinga at laman.
Kaya habang nasa atin ang ating buhay, samantalahin nating gumawa ng mabuti at sundin ang aral mula sa ating Maylikha.
Magmahal at umibig na siyang utos ng ating Panginoong Hesus.