TINIYAK ng Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) na hindi nangyayari sa kanila ang ghost claims na tulad ng nangyari sa PhilHealth.
Ayon kay PVAO administrator Ernesto Carolina, mayroon silang nakalatag na mga panuntunan upang matiyak na hindi ma-kalulusot ang pagbabayad ng pensyon sa mga beteranong patay na o kaya ay muling nagpakasal.
Sinabi ni Carolina na mayroon silang mga extension office na ang pangunahing trabaho ay makipag-ugnayan sa mga local regis-trar at vetarans organizations.
Kailangan din na magpakita sa kanilang tanggapan ang pensyonado tuwing ika-anim na buwan, taunang pagsusumite ng la-rawan na may kasamang newspaper kung saan makikita ang date ng publication at biglaang mga pagbisita ng PVAO.
Katuwang din ng PVAO ang Philippine Statistics Authority (PSA), Philippine Postal Corporation (PHLPost) at Veterans Fed-eration of the Philippines (VFP) para i-check ang status ng bawat pensioner.
Ang pahayag ni Carolina ay makaraang ilabas ng Commission on Audit (COA) ang report na ang PVAO ay patuloy na nagbabayad ng P70 milyon na halaga ng buwanang pension sa mga retiradong sundalo na patay na.
Sinasabing nasa 5,721 o 84.5% mula sa 6,768 na kabuuang bilang ng mga namatay sa taong 2018 ay patuloy na tumatanggap ng kanilang regular na buwanang pensyon.
Iginiit ni Carolina na walang pondong nawawala sa kanilang pensioner’s fund at mayroon silang ‘full proof validation system’ upang marekober ang higit sa kalahati ng P70 milyon mula sa remittances.
Comments are closed.