HINIMOK ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga newly appointed official na tiyaking walang katiwalian at iba pang ilegal na aktibidad na magaganap sa kani-kanilang nasasakupan.
Ayon sa Pangulo, ang kanilang panunumpa sa tungkulin ay sagradong kasunduan sa sambayanang Filipino, kaya umaasa siyang magiging tapat sa kanilang pagganap dito.
“I congratulate and thank our newly appointed government officials for taking on the important challenge and answering the call to public service,” pahayag ng Pangulo sa kanyang talumpati sa oathtaking ceremony na ginanap sa Malakanyang.
Ayon sa Pangulo, mahalagang matulungan ng mga bagong opisyal ng gobyerno na maibalik at ingatan ang katapatan at pagtitiwala sa pamahalaan.
Keep in mind that the oath that each of you took today is not a mere ceremony that qualifies you to assume public office. That oath is your sacred pact with the Filipino people – a pact that I expect all of you to faithfully fulfill [during] your respective terms.
“You are here because I believe that you have the qualification and the capability to steer our government agencies into the right direction,” sabi ng Pangulo.
Binigyang diin nito na ang kanilang pangunahing katungkulan ay mapagsilbihan ang bansa na may kalakip na highest standard ng moral integrity.
“As public officials under this administration, you are called to uphold good governance and embody efficiency, transparency and accountability in all your dealings within the bureaucracy,” ayon pa rito.
Umaasa si Duterte na ang pagkakahirang ng mga oath taker sa kanilang mga puwesto ay ituring nilang pagkakataon na manguna, makapaglingkod at makapagpatupad ng epektibo, makatotohanan at positibong pagbabago tungo sa mas maunlad na bansa.
“As you assume office, I count on you to do your best to institute lasting reforms that will improve the services in every department, agency, bureau and instrumentality of our government,” giit pa ng Pangulo.
Mahalaga rin aniya na isantabi ang mga personal na interes at isulong ang mga dapat gawin para sa ikabubuti ng nakararami at maging prayoridad ang magkaroon ng pagbabago sa buhay at kapakanan ng sambayanan.
“I therefore ask you to join me as we forge a government that is not just capable but is also sincere in achieving a bet-ter life and a brighter future [for] all Filipinos. Together, let us embark on this noble task,” sabi pa ng Pangulo. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.