WALANG INCREASE SA PANTAWID PASADA

DBM Secretary Benjamin Diokno-2

NILINAW kahapon ni Budget Secretary Benjamin Diokno na walang  mangyayaring pagtataas sa subsidiya ng gobyerno para sa Pantawid Pasada Program sa susunod na taon.

Inihayag ito ni Sec. Diokno sa harap ng pagsuspinde sa ikalawang tranche ng fuel excise tax.

Napag-alaman na nakatakda sanang tumang­gap ng fuel subsidy na P20,514 para sa buong 2019 ang mga driver at operator mula sa kasalukuyan nilang natatanggap na P5,000.

Ayon kay Diokno,  hindi nila puwedeng taasan ang benepisyo dahil wala rin namang pagtaas sa excise tax kung saan sana kukunin ang pondo para sa ilang proyekto ng administrasyon.

Ibabase pa rin ang mga benepisyo ng Pantawid Pasada sa kung magkano ang natatanggap ng mga PUJ franchisees ngayong taon.

Samantala, tiniyak  naman na hindi gagalawin ng gobyerno  ang pondo sa unconditional cash transfer para sa mahihirap na pamilyang Filipino.

Sa 2019 ay P300 kada buwan o katumbas ng P3,600 sa buong taon ang matatanggap ng mga benepisyaryo ng unconditional cash transfer mula sa kasalukuyang P200 kada buwan o P2,400 para sa buong 2018. NENET VILLAFANIA

Comments are closed.