WALANG iregularidad na nangyari sa ginawang inspeksiyon ng mga tauhan ng Office of the Transportation Security (OTS) sa bagahe ni Kristine Moran sa Ninoy Aquino Internaional Airport (NAIA) kung saan nakita ang isang bala ng 9mm sa kanyang luggage.
Ito ang pahayag ng Manila International Airport Authority (MIAA), at OTS sa kanilang ginawang joint investigation kaugnay sa alegasyon ng pasahero na sinasabing bagong biktima ng “tanim bala” sa NAIA T3.
Isinumite na ng mga opisyal ng MIAA ang resulta ng imbestigasyon kay Special Assistant to the President Bong Go bilang pagsunod sa ibinigay na 24-hour dealine ng Malakanyang sa MIAA at OTS tungkol sa insidente.
Lumalabas sa imbestigasyon ng MIAA at OTS na ang 9mm live bullet ay nakita ng mga taga- OTS sa ilalim ng luggage ni Ginang Moran na nakabalot ng plastik pagdaan sa X-ray machine sa inisyal security checkpoint ng NAIA.
Bilang pagsunod sa patakaran ay agad na ipinagbigay alam kay Moran ang nakitang image ng bala sa kanyang luggage bago buksan ang bagahe nito sa harap niya mismo.
Agad din naman pinasakay ang grupo ni Moran sa kanilang flight papuntang Zamboanga.
Kasunod nito ay nag-post sa Facebook si Moran na mayroon siyang nadiskubreng bala sa kanyang bagahe habang nagche-check–in sa Gate 2 ng NAIA Terminal 3.
Giit naman ng Malakanyang, hindi nila kailanman pahihintulutan na maulit ang nasabing modus operandi kasabay ng paghikayat sa mga nabiktima ng “tanim bala” na lumantad. FROI MORALLOS
Comments are closed.