SA GITNA ng pinaigting na anti-illegal gambling operation ng Philippine National Police (PNP), kumpiyansa naman si Police Regional Office in Davao (PRO-Davao) chief, BGen. Filmore Escobal na walang jueteng sa kaniyang nasasakupan.
“Wala po tayong jueteng operators o operations dito sa Davao Region, at wala po tayong listahan na natatanggap mula sa National Headquarters,” ayon kay Escobal.
Ginawa ni Escobal ang pahayag makaraang bigyan ng isang linggo ni PNP chief, Gen. Archie Francisco Gamboa ang mga regional directors para tapusin ang mga ilegal na sugal lalo na ang jueteng.
Dagdag pa ni Escobal na wala siyang natanggap na listahan ng jueteng operators subalit patuloy ang ginagawa nilang pagsisiyasat sa lugar kung mayroong ilegal na sugal sa lkanyang nasasakupan gaya ng “last two” operation na pinakatalamak na illegal form of gambling.
Sumunod din aniya si Escobal at ang kanyang mga tauhan sa kautusan ni Gamboa na “no take policy on all forms of illegal gambling.” PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.