Sa kanyang talumpati, kaniyang sinabi na nakakamit ng mga guro ang mataas na respeto dahil sa kadakilaan nito.
Dahil ang pagiging guro at pagbibigay ng kaalaman ay kabayanihan.
Hindi kagaya ng ibang trabaho na hanggang alas-5 ng hapon ang ginagampanan sa tanggapan habang ang mga guro bitbit hanggang bahay ang trabaho at gumagawa ng lesson hanggang hatinggabi.
“Walang kasing dangal na tawaging guro,” ayon pa sa Kalihim.
Aniya, napapanahon ang pagbibigay ng gawad sa mga natatanging teacher dahil ngayong Setyembre ay buwan ng mga guro.
Isang mahalagang okasyon para sa kagawaran ang pagbibigay ng parangal sa ngalan ni dating Amb. Antonio L. Cabangon Chua sa pamamagitan ng kompanya nito na Fortune Life Insurance sa ilalim ni Pres. D. Arnold A. Cabangon.
Sa pahayag ng kalihim, angkop ang pagbibigay ng karangalan sa mga natatanging guro dahil ang mga ito ang humuhubog ng pag-uugali at values ng kabataan.
Kaniya ring dinakila ang ALS teachers na nanalo kabilang si Dominic R. Domingo.
Katuwang ng Fortune Life Insurance Company sa pagbibigay ng parangal ang Department of Education at Marylindbert Inter-national na pinangungunahan ni Ms. Erlinda Legaspi.
Ang mga nagwagi naman para sa parangal para sa Edukasyon-Guro ay sina Hadja Sarah Lucman Handang, Rene Rose M. Labasan, Dominic R. Ocampo, Darwin T. Tadifa, Cesar V. Valondo.
Ang Honorable Mentions ay sina Jerry D. Cruz, Ednalyn F. Fajardo, Jinabelle Prieto.
Para sa Parangal para sa Edukasyon-Pamumuno, ang mga kinilala ay sina Denison F. Domingo, Evangeline P. Ladines, Joel B. Lopez, Orlando E. Manuel, at Cecilia E. Valderama.
Naging panauhing pandangal din si ALC Group of Companies Chairman D. Edgard Cabangon kasama si Ms. Sharon Tan ha-bang nagbigay rin ng pahayag si Ms. Evelyn Carada, EVP and General Manager ng Fortune Life Insurance.
Sa mensahe naman ni Fortune Life Insurance President D. Arnold Cabangon, kaniyang ikinagalak na ang kanilang programa ay lumawak sa 5.9 million public school pupils at idiniin na ang paglago nito ay dahil kanilang inspirasyon ang ama na si Amb. Cabangon Chua na kumilala sa halaga ng hardwork at disiplina. EUNICE C.