BUMABA ang bilang ng mga walang trabaho sa 5.1 percent noong nakaraang Abril mula sa 5.5 percent noong nakaraang taon, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Bunga nito, ang employment rate ay tumaas sa 94.9 percent mula sa 94.5 percent sa kaparehong panahon.
Sa datos na ipinalabas ng PSA, ang labor force ng bansa ay may kabuuang bilang na 72. 538 million, na binubuo ng popu-lasyon na may edad 15 at pataas.
Ayon kay National Statistician Claire Dennis Mapa, ang pagbaba sa unemployment rate ay may katumbas na 74,000 kabawasan sa mga walang trabahong Pinoy sa nasabing buwan.
Pinakamarami sa mga ito ang kalalakihan na may 62.7-percent, na sinundan ng 15 to 24-year olds (43.8 percent) at college un-dergraduates na may 10.7 percent.
Kabilang sa mga rehiyon na may pinakamataas na unemployment rate ay ang Autonomous Region in Muslim Mindanao—9.0 percent, National Capital Region—6.3 percent, Ilocos Region—5.9 percent, at Bicol Region—5.8 percent.
Sa pagklasipika ng PSA, ang employed persons ay yaong full-time o nagtatrabaho ng 40 oras kada linggo, o part-time at nag-tatrabaho ng walang 40 oras kada linggo.
“By definition, employed persons who express the desire to have additional hours of work in their present job, or to have addi-tional job, or to have a new job with longer working hours are considered underemployed,” sabi ng statistics office.
Samantala, nabawasan din ang bilang ng mga Pinoy na underemployed o may trabaho pero hindi akma sa kanilang skills ang ginagawa sa workplace o naghahanp pa ng panibagong trabaho.
Mula 17 percent noong Abril 2018 ay bumaba sa 13.5 percent ang underemployment rate sa parehong buwan ngayong taon.
“Underemployed persons who work for less than 40 hours in a week are called visibly underemployed persons. They account-ed for 60.0 percent of the total underemployed in April 2019 and 52.6 percent in April 2018,” ayon pa sa PSA.
Sa sector, 47.6 percent ng underemployed ay nagtatrabaho sa services sector, 34.0 percent ang nasa agriculture sector, at 18.5 percent ang nasa industry sector. VERLIN RUIZ
Comments are closed.