BUMABA na sa 187,705 ang bilang ng mga customer ng Manila Electric Co. (Meralco) na walang suplay ng koryente hanggang kahapon ng umaga.
Sa pinakahuling situation report nito, sinabi ng Meralco na ang bilang ay bumubuo sa 2.785 porsiyento ng kabuuang customers nito
Karamihan sa mga apektadong kabahayan ay sa Bulacan na may108,012, sumusunod ang Rizal na may 43,996 at Metro Manila na may 30,069.
“Sa Lunes sana ay makabalik na kami sa normal business operations,” pahayag ni Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga sa Laging Handa briefing.
“Itong mga natitira ay tuloy-tuloy ang pagtatranbaho natin. Hindi tayo hihinto hanggat hindi nakukumpleto ang mga wala pang serbisyo ng kuryente,” sabi pa ni Zaldarriaga.
Comments are closed.