WALANG LOCKDOWN SA MAYNILA

Manila Mayor Isko Moreno

WALANG planong magsagawa ng lockdown sa kahit na anong lugar sa Maynila hanggang katapusan ng 2020.

Ito ang pagtiyak ni Manila Mayor Isko Moreno sa kanyang live address makaraang pabulaanan ang mga naglalabasan sa social media.

“Wala pong plano ang pamahalaang-lungsod ng Maynila na mag-lockdown hangang matapos ang December 31, 2020.  I hope maliwanag ito,” ani Moreno.

Subalit, idinagdag ng alkalde na handa silang magpatupad ng lockdown kung kinakailangan.

“Share this portion na walang planong mag-lockdown ang pamahalaang-lungsod except kung me mangyaring hindi maganda…unless magpabaya kayo, baka mapilitan tayo,” anang alkalde na nanawagan din sa ng mga taga-Maynila na laging sumubaybay sa kanyang  official social media accounts at posts para magabayan at malaman kung ano ang tama at totoo.

Gayunpaman,  inamin nito na hindi rin siya nakakatulog sa pag-iisip ng mga paraan kontra COVID-19 upang mapanatiling ligtas ang sang-Kamaynilaan.

Samantala, inulat ng alkalde na ang  occupancy rate ng mga kama para sa COVID-19 cases ay  25 percent na lamang.

Simula pa noong Dec. 4, ang confirmed, active cases sa lungsod ay 398 (31 dito ay new cases). Mayroon ding naitalang 676 deaths at  22,378 re-coveries.

Sa kasalukuyan ay 52,821 na ang sumailalim sa swab test, habang  119,320 ang sumailalim sa  free serology tests na inaalok sa  drive-thru at walk-in centers at city’s mobile clinic. Lahat ng ito ay kaloob ng pamahalaang lokal ng libre kahit hindi taga-Maynila. VERLIN RUIZ

7 thoughts on “WALANG LOCKDOWN SA MAYNILA”

  1. 23429 90155The luxury proposed may be incomparable; citizens are never fail to looking for bags is a Native goals. The concept numerous insert goals uniquely to push diversity with visibility during the travel and leisure arena. Hotels Discounts 699878

  2. 220426 252645That being said by use it all, planet is truly restored just a little more. This situation in addition will this specific Skin tightening and starting to be moved and into the mood of these producing activities. every day deal livingsocial discount baltimore washington 52416

  3. 281785 147387I dont generally comment but I gotta state thanks for the post on this excellent one : D. 235133

Leave a Reply

Your email address will not be published.