HINDI magpapatupad ng lockdown ang lokal na pamahalaan ng Balayan, Batangas matapos ma-detect ang kaso ng mpox sa kanilang bayan.
Sinabi ni Balayan Mayor Emmanuel Fronda II na hindi dapat maapektuhan ang buong operasyon ng kanilang lugar.
Ang mahalaga ay natukoy agad ang pasyenteng may mpox at ang mga taong nagkaroon ng closed contact dito.
Ang mpox sa Balayan ay pang-14 na recorded case sa bansa at isa umanong 12-anyos na batang lalaki.
Hindi na tinukoy ang pagkakakilanlan ng biktima upang hindi maging biktima ng bullying o harassment.