WALANG MAIIWANG GUTOM PAG-ASA, DARATING NA-RODRIGUEZ

ANG  bilis talaga ng panahon dahil isa na namang taon ang magtatapos at darating na naman ang isang bagong taon.

Tila kahapon lamang ngunit di natin namamalayan na papasok na naman ang taong 2024.

Kung babalikan ang taong 2023, walang nagbago sa mga isyu ng mga Pinoy sa buhay, partikular na sa laban sa seguridad sa pagkain at mataas na presyo ng basic commodities, partikular na sa sektor ng agrikultura.

Ang hamong ito ang nagtulak kay Ms. Virginia Rodriguez upang lumikha ng isang organisasyon na tunay na magpopokus at tutulong sa troubled sector, na nakakaapekto sa karamihan ng mga Pinoy.

Ani Ms. Virginia, ang Act Agri Kaagapay organization ay hindi lamang isang agricultural organization, kundi isang samahang may puso at sinserong layunin na makamit ang tunay na tagumpay sa pagsasaka, sa pamamagitan ng best practices at modern technology sa buong mundo.

“Soon, our country will no longer be affected by food crisis once we unite to fight “poverty and hunger” by combining our experiences, knowledge, best practices, technology and development in agricultural area,” aniya.

Dagdag pa ni Ms. Rodriguez, “Let’s join together to achieve this humble goal for serving humanity and Filipinos for a better world. Merry Christmas and Happy New Year to all!”