(Walang maipakitang ID sa BI) FIL-AM HINDI NAKAPASOK NG PINAS

NAIA

HINDI  pinayagan ng Bureau of Immigration (BI) na makapasok sa bansa ang isang Filipino-American citizen na nasa holding area lamang ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 dahil sa walang maipakitang ID card.

Dismayado si Marina Cadana Radoc, 59-anyos na tubong Ilocos, galing pa ito sa San Francisco, California sa naranasan nito sa  NAIA dahil hindi siya pinalabas sa arrival area makaraang walang  maipakitang Philippine passport na katunayang siya ay dual citizen.

Dumating si Cadana sa airport bandang alas 4:00 ng madaling araw nitong Agosto 28 upang makiramay sa kanyang asawa na namatay sa kanilang lugar.

Aniya, pagpasok niya sa immigration counter, hinahanapan siya ng ID ng Immigration na magpapatunay na siya ay dual citizen, sa halip ipinakita nito ang kanyang  oath certicate bilang pagpapatunay na nanumpa siya sa consulada sa San Francisco.

Ngunit, ang hinihingi ng Immigration Officer  ay ID o Philippine Passport pero ang ibinigay ng naturang Fil-Am ay ang kanyang American passport at driver’s licence sa California.

Ayon pa kay Cadana, umuwi siya dahil namatay ang kanyang mister noong Agosto 1 na kasalukuyang nakaburol sa Pangasinan at hindi ito maililibing hanggat wala siya.

Aniya, kahit mahirap kumuha ng flight pauwi sa Filipinas dahil sa COVID-19 pinilit nila makauwi. FROILAN MORALLOS

Comments are closed.