WALANG MAKAIN, BINATA NANGISDA NALUNOD

nalunod

LAGUNA – DAHIL umano sa hinihinalang kakulangan ng pagkain, analunod sa Lawa ng Laguna ang 18-anyos na binatilyo matapos magtangkang mangisda kasama ang nakatatanda nitong kapatid na lalaki sa Brgy. Malaban lungsod ng Biñan kamakalawa ng madaling araw.

Ayon sa ulat ni PLt. Col. Danilo Mendoza, hepe ng pulisya, nakilala ang biktimang si Lester Casalme, residente ng Zone 3, Ilaya, lugar na ito.

Samantala, nakilala naman ang nakatatandang kapatid ng biktima na si Ian na nakaligtas kung saan nasa maayos ng kalalagayan.

Sa imbestigasyon, bandang alas-2:30 ng madaling araw nang  magtungo sa Lawa ang biktima at kapatid nitong si Ian para mangisda bilang karagdagan sa kanilang pagkain.

Sinasabing habang aktong nasa Lawa na ang mga ito, nagdesisyon na maghiwalay ang magkapatid para humanap ng magandang lugar at magkita na lamang muli aniya ang mga ito sa pondohan.

Makalipas ang mahigit na kalahating oras ng hindi na muli pang nakabalik ang biktima sa pondohan samantalang hindi inaasahang makita nitong nakasadlak ito sa fishnet matapos sumabit ang kanyang paa sa malalim na bahagi ng Lawa.                                            DICK GARAY

Comments are closed.