WALANG MAKAPAPALIT KAY RICO J. PUNO — ARNELL IGNACIO

RICO J PUNO-3

SA biglang pagyao ng kinikilalang Total Entertainer na si Rico J. Puno, marami sa mga kasamahan niyabuzzday sa industriya ang na-shock, may mga nagsabing walang makapapalit dahil kakaiba ang style niya sa pag-awit, sa pag-perform, sa pagbibiro sa kanyang audience na siya lamang ang puwedeng gumawa ng ganu’n.

Pero, sa lahat ng mga nabasa at narinig kong komento patungkol kay Rico J, kakaiba ang sinabi ni Arnell Ignacio na nakasama ni Rico J sa TV show on RPN 9 titled Chibugan Na.

Ayon kay Arnell na nakausap namin sa kanyang pagdalaw sa wake ni Rico sa Sanctuario de San Antonio sa McKinley Road, Forbes Park sa Makati City: “Ang kakaiba kay Rico J, ‘pag narinig mo ang mga kanta niya, parang ang dali lang kantahin, pero ‘pag kinanta mo na, mahirap na, siya lang talaga ang puwedeng magbigay ng justice sa kanta dahil kakaiba ang range ng boses niya. ‘Pag naririnig mo, parang mababa lang, subukan mong kantahin ang taas pala. Mahihirapan kang gayahin. At kahit may mga mag-Rico sound-alike, mahirap siyang kopyahin, nag-iisa lang talaga siya.”

Sa totoo lang, marami na ang nag-attempt na mag-ala-Rico J, pero sana, they  sing Rico’s songs sa kanilang sariling boses, huwag na lang mag-sound alike because they will only fail, no one could imitate him, as he is the one and only Rico J Puno.

In  his many years in the music industry, where I was able to follow his concerts from the nightclub strip on Roxas boulevard to different hotels and other shows locally, isa lang ang narinig kong kahawig ng boses niya na noong kainitan ng kanyang career, there were concerts na hindi naiwasan na hindi niya maabot ang high notes, there was one back up voice behind the curtain or stage na sumasalo agad when Rico gave the key—his personal assistant Red Valdez who has gone to be with his Creator ahead of him.

By the way, ngayong gabi ang huling lamay para sa music icon at magkakaroon ng tribute ang kanyang mga kasamahan at kaibigan sa industriya. Bukas ng uma­ga, dadalhin ang kanyang bangkay sa Makati City hall for public viewing for his constituents bago ihatid sa kanyang hu­ling hantungan sa Heritage Memorial Park.

ATTY. FERDIE TOPACIO SA KOMENTO NG KAPWA ABOGADO KAY AGA MUHLACH: ‘DI DAPAT GANU’N   

ATTY-FERDIE-TOPACIOCELEBRITY lawyer Atty. Ferdie Topacio recently expressed his comments on the trending topic regarding a certain Atty. Palcis and his reaction on Aga Muhlach’s statement for Sen. Trillanes.

Nag-post sa Facebook ang abogadong si Palcis na wala raw karapatang magkomento si Aga Muhlach dahil artista lang ito walang alam sa politika.

Say ni Atty. Topacio, kahit sino puwedeng magkomento kay Senator Trillanes, kahit pribadong tao, lahat may karapatan magkomento at walang makapipigil. Nagkataon lang na artista si Aga kaya naging kontrobersiyal.

Hindi kaya gustong sumikat nitong abogadong ito at mag-ride sa kasikatan ni Aga?

Nakatsikahan na­min ang celebrity lawyer ka­makailan, kung saan sinorpresa niya ang kaibigang artista na si Barbara Milano, na dating aktibo sa showbiz hanggang maging isang konsehal sa kanilang bayan sa Talavera, Nueva Ecija at muling tatakbo ngayong eleksiyon sa konseho. Maganda pa rin si Barbara na kaibigan na pala ni Atty Topacio since she was 17.

Naitanong din kay Atty Ferdie ang tungkol sa senatorial bid ni former Senate President Koko Pimentel and sinabi nito na baka nakalimutan ni Sen. Koko na nanalo siya sa electoral protest, at nanalo ulit nang tumakbo noong nakaraang senatorial election kaya hindi na talaga siya makaka-run ulit.

Baka aniya, nakalimutan na ni Sen Koko. Kung sumama raw ang loob sa kanya nito, say niya na he has nothing personal against him at kaibigan pa rin ang turing niya sa senador.

‘Yun na!

 

Comments are closed.