WALANG MAYOR NA MASUSUSPINDE

General Manager Jojo Garcia-2

NANINIWALA  si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia na walang al-kalde sa Metro Manila ang masususpinde.

Sa ginanap na pulong ng Metro Manila Council, sinabi ni Garcia na  nakumpleto ang clearing ope­rations mula sa mga obstruc-tion  sa mga lungsod sa Metro Manila.

Lahat aniya, ang 17 mayors sa Metro Manila ay umaksiyon para sumunod sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte, na mapaluwag ang daloy ng trapiko sa Metro Manila.

Hinihintay ng  ahensiya ang official assessment ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ukol sa clearing operations ng mga lungsod.

Natapos ang 60-araw na deadline ng  DILG sa pag­lilinis sa mga lansangan.