TINITIYAK ni dating Armed Forces of the Philippines (AFP) chief at ngayon ay kasalukuyang Officer in Charge ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año na walang dahilan para maglunsad ng isang military junta ang militar at pulisya.
Ginawa ni Año ang pahayag kasunod ng sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na mas gugustuhin niyang patakbuhin ng military junta ang bansa kaysa isalin ang pamunuan sa kanyang successor (Vice Presidente Leny Robredo) o tinatawag na Constitutional succession.
Ayon kay Año, wala siyang nakikitang pangangailangan ng kudeta o military junta. Dagdag pa ng kalihim na dinoble na ang suweldo ng mga sundalo at nadagdagan na ang kanilang insentibo kaya walang dahilan para magrebelde pa sa estado ang isang professional organization gaya ng AFP at PNP.
Naniniwala si Año na ang pagkadismaya ng Pangulo ay nag-ugat lamang sa patuloy na problema ng bansa sa droga at korupsiyon sa gobyerno. Kumbinsido rin si Sec. Año na pursigido si Pangulong Duterte na tapusin ang ilegal na droga at korupsiyon hanggang matapos ang termino.
Una rito maging ang United States ay nagpahayag na masaya siya sa kasalukuyang set up ng gobyerno at naniniwalang matatapos ni Pangulong Duterte nang matiwasay ang kanyang termino.
Ayon kay Assistant Secretary of Defense for Asian and Pacific Security Affairs Randall G. Schriver “we’re very proud of the democracy here in the Philippine and I hope the future of the Philippine remains in the hands of the people here and I think its important that democracy remains strong.”
Sa pahayag naman kahapon ng pamunuan ng Philippine National Police, walang dahilan ang pulis o ang military para agawin ang kapangyarihan mula kay Pangulong Rodrigo Duterte, dahil maligaya naman ang law enforcement agencies sa pamamalakad ng kanilang commander in chief.
Pahayag ni PNP P/spokesperson Senior Superintendent Bong Durana, nasisiyahan ang 170,000-strong PNP sa ginagawang pamumuno ng Pangulong Duterte.
“As far as the PNP is concerned, we will follow what’s written in the constitution,” ani Durana.
“In my 30-plus years in service, it is only now that the PNP leadership is empowered, unlike before there are a lot of political influences. The president has given almost a free hand to the PNP to do their job,” dagdag pa ng taga pagsalita ng PNP.
Tugon naman ni Interior and Local Government officer-in-charge Eduardo Año, “there is no existing condition that would call for a coup or junta. He said the military is satisfied with Duterte’s leadership.” VERLIN RUIZ
Comments are closed.