PENNSYLVANIA, USA – TINIYAK ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Filipino na nasawi o nasugatan sa pamamaril sa isang pook-dasalan o kongresyon sa Pittsburgh noong Linggo.
Kasunod nito, nanawagan din ang ahensiya sa mga Pinoy na naroon na mag-ingat at maging alerto para sa kanilang kaligtasan.
Nakidalamhati rin ang DFA sa mga naulila ng 11 katao na nasawi.
“The Department of Foreign Affairs (DFA) expresses its sympathies to the families of the 11 individuals killed in the shooting incident at a synagogue in Pittsburgh, Pennsylvania on Saturday,” ayon sa DFA
Umaasa rin ang DFA sa mabilis na paggaling ng anim pang katao na nasugatan nang magwala ang isang lalaking 46-anyos at pagbabarilin ang Tree of Life Congregation Synagogue sa nasabing distrito.
Sa record ng DFA, mayroong 4,000 members ng Filipino community sa Pittsburgh. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.