PASAY CITY – WALANG anunsiyo ang Department of Foreign Affairs (DFA) kung mayroong Filipino na nabiktima sa pagyanig na 6.8 magnitude ang South Sandwich Islands kahapon ng alas-8:00 ng umaga, oras sa Filipinas.
Ayon sa United States Geological Service, may lalim ang pagyanig na 116 kilometers.
Inaalam na ng awtoridad kung may naitalang pinsala sa isla. Sa hiwalay na abiso ng Philippine Institue of Volcanology and Seismoligy (Phivolcs), sinabing walang “tsunami threat” sa Filiopinas. Ang isla ay bahagi ng United Kingdom na nauugnay sa Atlantic Ocean. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.