WALANG OIL SPILL SA SUMADSAD NA RORO

ILOILO-LUMALABAS sa pinakahuling ulat ng Philippine Coast Guard (PCG) na wala itong nakitang oil spill sa karagatan ng Iloilo matapos ang nangyaring pagsadsad ng isang roro vessel sa nasabing lugar.

Batay sa isinagawang assessment ng mga tauhan ng PCG – Marine Environmental Protection Unit (MEPU) sa lugar kung saan sumadsad ang MV Filipinas Cebu, nabatid na negatibo sa oil spill ang nasabing bahagi ng karagatan.

Gayunpaman, patuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil naman sa dahilan ng pagsadsad ng nasabing roro vessel.

Base pa rin sa impormasyon ng PCG, mahigit 200 pasahero ng MV Filipinas Cebu ang matagumpay na nailipat sa MV Nasipit, ang sister vessel nito na agad rumesponde sa sumadsad na barko.

Matatandaan na pasado alas- 12 ng madaling nang sumadsad ang nabanggit na roro vessel sa karagatan ng Iloilo.

Ayon sa kapitan ng nasabing barko na si Captain Alexander Wahing, 57-anyos na ligtas naman ang 223 passengers at 38 crew na sakay at wala namang napaulat na nasaktan habang patuloy naman ang ginagawang pag-monitor ng PCG District Western Visayas sa nasabing bahagi ng karagatan. PAUL ROLDAN