WALANG OVERSUPPLY NG BAWANG SA MIMAROPA—DA

BAWANG

NILINAW ni DA-Mimaropa Regional Executive Director Antonio Gerundio na walang “oversupply” ng mga bawang sa rehiyon ng Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan (Mimaropa).

Ito ay kasunod sa  lumabas sa social media  hinggil sa “disposal” ng nasa 70 metric tons ng bawang sa Lubang, Occidental Mindoro.

Ayon kay Gerundio, batay sa report ni Elsie Toverada, OIC-Municipal Agriculture Office sa Lubang, ang pitumpung metriko toneladang bawang na tinutukoy sa viral post ay ang natitirang inani na naghihintay na lamang na  mabili.

Sinabi pa ni Gerundio na kung mayroon mang oversupply ng bawang, maari naman itong itabi “in normal condition” sa loob ng anim hanggang walong buwan.

Higit sa lahat, hindi opsyon ang pagtatapon sa mga aning-bawang kapag hindi nabenta ang mga ito.

Comments are closed.