WALANG PAMBILI, BIGYAN NG FACE MASK

BIGYAN muna ng facemask bago hulihin ang mga pasaway.

Ito ang igniit ni Senador Panfilo Lacson.

Sinabi ni Lacson na dapat ay masigurado muna ng mga awtoridad na lahat ng mamamayan, lalo ang mga walang pambili, ay mapagkalooban ng libreng face mask.

Panawagan ito ng senador upang matiyak na lahat ay hindi magkakaroon ng dahilan para hindi magsuot ng face mask, maging ang mga mahihirap na ultimo pangkain ay pinoproblema kung saan hahagilapin.

“Before implementing the arrest order issued against Filipinos not wearing masks, it is but fair and just for the government to provide to those who don’t have the money to buy them,” banggit ni Lacson

Ang nabanggit na mensahe ay bilang reaksiyon sa naunang pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte na kanyang ipapahuli sa mga pulis ang mga hindi nagsusuot ng face mask habang nasa labas ng kanilang mga tahanan.

“When the government is able to distribute reasonably enough masks, that’s the time it can enforce the rules against the individuals who now have face masks but do not wear them properly,” banggit ni Lacson. LIZA SORIANO

10 thoughts on “WALANG PAMBILI, BIGYAN NG FACE MASK”

Comments are closed.