WALANG PAMPASAHOD MANAGER NAGBARIL

nagpakamatay

MAYNILA – PINILI na lamang ng isang Manager ng isang kompanya na magpakamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili dahil sa problema ng pampasuweldo at 13th month pay sa mga empleyado sa Sta Mesa.

Hindi na umabot ng buhay sa UERM Hospital ang biktimang si Marcelo Manuel Jr., 67-anyos, General Manager ng Quatech, Industrial Agency at residente  ng 615 Bautista St., Pasay City  dahil sa tama ng bala sa katawan.

Sa report ni SPO3 Jonathan Bautista ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong alas-12:15 ng madaling araw nang matagpuan ang biktima sa loob ng comfort room sa 3rd floor sa  Room 308 SCC Building CFA compound Old Sta Mesa, Manila.

Ayon kay Eleonor Robles, Project Manager ng kompanya na nakita niya ang biktima na pumasok sa loob ng CR ng kanyang opisina  hanggang sa nakarinig na lamang ito ng ingay sa loob subalit hindi umano nito pinansin.

Kasabay nito, nagtanong din si Marloc Palicpic, Admin Manger  kay Robles kung nasaan ang kanilang amo at sinabing nakita nitong pumasok sa loob ng CR at dito sila kinutuban dahil sa narinig na putok sa loob.

Pinuntahan nila sa kanyang opisina at kinatok ang pintuan ng CR subalit walang sumasagot kaya binuksan ito at dito tumambad ang biktima na duguang nakaupo sa inidoro.

Isinugod sa opsital ang biktima subalit dakong ala-1:41 ng madaling araw nang ideklarang patay.

Inamin ng asawa ng biktima na si Rosalina Manuel na namo­mroblema ang kanyang asawa  kung paano nito pasusuwelduhin at bibigyan ng 13th months pay ang kanyang mga empleyado kaya hinihinalang ito ang dahilan ng kayang pagpapakamatay.

Inamin din ni Rosalinda na  may dalawang lisensiyadong baril ang suspek .

Nakuha sa tabi ng biktima ang isang .9mm Taurus na baril, isang basyo at limang bala. PAUL ROLDAN

Comments are closed.