BAWAL mag-leave ang lahat ng Bureau of Immigration (BI) personnel na nakatalaga sa iba’t-ibang international airport sa buong bansa simula sa susunod na buwan upang masigurong sapat ang bilang na mga naka-duty sa pagsapit ng Kapaskuhan.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, simula sa Disyembre 1 hanggang Enero 15,2021 ay walang empleyadong magli-leave.
“We have to make sure that our immigration booths at the airports are adequately manned in anticipation of an increase in the number of international travelers who will enter and exit the country during that period,” ani Morente.
Gayunpaman, sinabi rin ni Morente na inaasahan nilang maliit lamang ang bilang ng mga pasahero na paalis at padating dahil sa COVID-19 pandemic.
Ayon pa sa BI Chief na marami pa ring mga bansa, kabilang ang Filipinas ang hindi pa inaalis ang travel restrictions na nagsimula pa noong Marso.
“Thus, we are confident that the number of immigration officers currently deployed at the ports are enough to facilitate the efficient conduct of immigration formalities for arriving and departing passengers,” dagdag pa ni Morente.
Ayon naman kay Atty. Candy Tan, BI port operations division chief, ang pagbabawal na mag-leave ay para lamang sa mga immigration personnel na naka-assigned sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) gayundin sa Mactan Cebu at Clark, Pampanga, Kalibo, Iloilo, Davao, Laoag at ang Zamboanga international seaport. PAUL ROLDAN
Comments are closed.