QUEZON – WALANG pasok ang klase at mga tanggapan sa lalawigan ng Quezon ngayong araw, Nobyembre 4.
Ito ay dahil idineklarang special non-working holiday sa nasabing lalawigan bilang paggunita sa death annniversary ni Hermano Puli.
Ang kautusan ay sa ilalim ng Proclamation 730 na nilagdaan ni Executive Sec. Lucas Bersamin.
Si Puli ay isang religous leader mula Lucban, Quezon na nagtatag ng Cofradía de San José o Confraternity of Saint Joseph noong panahon ng Kastila.
Ito’y bilang tugon sa mga diskriminasyon ng Simbahang Katolika mula sa mga Español, partikular ang pagbabawal sa mga ‘Indio’ na makapagsimba.
Taong 1841 nang pahirapan si Puli at isagawa ang parusang kamatay sa pamamagitan ng firing squad ng mga Kastila.
EUNICE CELARIO