CAMP CRAME – TINIYAK ng tumatayong Officer-In-Charge ng Philippine National Police (PNP) na si Lt. Gen. Camilo Pancratius Cascolan, Deputy Chief for Administration, na walang patid ang anti-criminality campaign ng pulisya.
Ito ay kahit na-ospital pa si PNP Chief PGen. Archie Francisco Gamboa at ilan pang mga key-official ng PNP at nagpapagaling sa mga tinamo nilang “injuries” sa pagbagsak ng kanilang sinasakyang helicopter noong Huwebes.
Sinabi ni Cascolan na titiyakin niyang hindi mapababayaan ang operasyon kontra droga, ilegal na sugal, prostitusyon, internal cleansing campaign at iba pang ongoing na kampanya ng PNP sa dalawang araw na pagsisilbi niya bilang OIC ngayong weekend.
Samantala, sinabi naman ni PNP Chief PGen Archie Francisco Gamboa sa isang videotaped message habang nasa ospital na maayos na ang kanyang kalagayan at babalik na sa trabaho sa Lunes. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.