PANAY ang pakiusap ni Mayora Honey Lacuna kay former Mayor Isko Moreno — na i-reconsider ang planong muling bumalik na alkalde ng Maynila, at may paawa effect pa.
Sila raw ay “pamilya” at siya — si Dra Honey — ay ate ni Yorme ng Maynila.
What do you think, dear reader ang kahulugan nito, well, para sa akin, nakararamdam si Lacuna na sa 2025 mayoralty race, imbes na siya ay llayamado, siya na alkalde ang dehado.
Incumbent si Dra. Honey pero ang nakatatak pa rin sa isip ng Manilenyo ay ang iniwang magagandang accomplishment ni Yorme Isko na nananatiling pinakikinabangan ng mga mamamayan ng siyudad.
Up to present, Isko has a strong following and his popularity, we can say: napakataas at ito pa ang maganda, the calls from residents for his return is so loud at hindi ito matatanggihan ng dating alkalde.
‘Yung inaasahan, ang malaking expectation kay Honey na malaking pagbabago sa Maynila, bilang first female mayor of the city ay sa simula lamang naging interesante, pero nang magtagal, hindi ito pumabor sa kanya, kasi nga, wala tayong maililistang akomplisment niya — na wala talaga at ang makikita, mararamdaman ay ang iniwang legacy ng tatlong taon panunungkulan ni Mayor Isko.
Definitely, Yorme Isko has the edge in this mayoralty race sa May 2025.
Saka na muna natin tatalakayin ang resulta ng mga surveys na angat na angat si Yorme Isko, at atin munang rebyuhin ang panunungkulan niya mula 2019 hanggang 2022.
Infrastructure Projects: Maipagmamalaki ang Tondominium 1& 2 at iba pa para sa informal settlers, Pres. Corazon Aquino Hospital, napakagandang Manila Zoo, redevelopment ng mga parke, historical sites of public spaces, parks, and historical sites at ang pînagandang Manila City Hall.
Mga programang tulad ng free medical services, ISKOlarship sa kolehiyo at unibersidad, at mas pinalakas na ayudang pinansiyal sa mahihirap na komunidad, lalo na sa mga seniors, PWDs, solo parents at livelihood programs niya.
Sa ganda ng programang ito, madalas ay bumibisita ang mga alkalde mula sa ibang lungsod at munisipalidad upang gawing modelo nila ang best practices sa Cityhall sa pamamahala ni Kois.
May nabalitaan ba kayo na nagpatuloy ang paghangang ito sa liderato ng Maynila sa panahon ng incumbency ni Mayor Honey, mayroon po ba?
Mayroon siguro pero ito ay duplication lamang sa programa ni dating Yorme Isko Moreno, at wala pang bago na nakikita sa Maynila.
Sino ang makalilimot sa mabilis na kilos ni Yorme noong pananalasa ng pandemyang COVID-19 — hanggang ngayon, maaalala ang public health and saftey programa niya tulad ng COVID Hospital, pinagbuting serbisyo at pasilidad sa mga ospital ng Maynila na kahit hindi Manilenyo, sinerbisyohan ng libreng vaccine vs COVID at iba pang uri ng sakit!
May itinayo agad si Mayor Isko na quarantine facilities, mass testing at ang mga medical health personnel, sila mismo ang nagpupunta sa mga lugar na may mataas na rekord ng tinamaan ng COVID-19.
At yung dating malilinis na kalye sa Maynila na iniwan ni Yorme, malinis pa ba, o ngayon ay balik sa pagiging dugyot at laganap ang kriminalidad.
Ang taas ng paniniwala ng maraming negosyante at investor sa Maynila noong nasa City Hall si Yorme Isko, at sumigla ang turismo sa siyudad.
Base sa ganitong akomplisment ni Mayor Isko, ang mga botante ng Maynila, ay babase sa mga nagawa nila, nakikita at gumaganang magagandang programa na sinimulan niya, at ito ang nakatanim sa isip ng mga botante, at kahit ng mga botante sa ibang siyudad na tinitingala ang super liksi at maayos na liderato ni Kois.
***
Kahit ano pa ang pakiusap ni Dra Honey, wala nang atrasan pa — Isko Moreno is now busy in projecting himself to the public eye, lalo na sa mga Manilenyo.
Busy na siya ngayon sa mga miting sa kanyang matatapat na supporters, at nararamdaman ang kanyang presensiya sa mga caucus at sa social media.
Pro-active ang mga kilos ni Mayor Isko na sa kanyang mga pahayag tungkol sa mahahalagang isyung pambayan, at ito ay malaking factor upang laging maitanim sa isip ng mga botante, siya, si Isko ay dapat ngang muling ibalik sa City Hall ng Maynila at muling maramdaman ang ningning at sigla sa siyudad.
At kahit noong wala na siya sa cityhall, patuloy siya sa kanyang community projects, lalo na sa edukasyon, health services, at ang advocacy niya na nakatuon palagi sa sektor ng mahihirap at mga walang trabaho at kung paano matutulungan ang maliliit na negosyante.
Political observers pictured Isko as a proactive and concerned leader.
Nananatili pa rin sa magandang vision at mission niya sa Maynila sa kinabukasan ng mga mamamayan ng siyudad, kaya mataginting ang local party niya na “Bagong Maynila.”
Isa rito ay ang pagbabagong-anyo ng Maynila, isang programa sa urban renewal at sa pagbabalik ni Moreno sa CityHall, maasahan ang muling pagsigla ng infrastructure projects, ang pagtatayo ng housimg units, pagpapaganda sa bawat sulok-sulok sa lungsod, at ang pagpapasigla sa mahahalagang ambag sa kasaysayan ng bansa ng Kabisera ng Pilipinas.
Kailangang maibalik ang kalinisan ng Maynila, at pagsugpo sa krimen sa maayos na pagbabalikatan ng pulisya at ng mamamayan para masiguro ang kaligtasan ng mga residente at ng milyon-milyong Pinoy at dayuhan na bumibisita sa siyudad para sa kanilang mga opisyal at personal na lakad at mga transaksiyon.
Yung Arroceros Park, napanatili ba ang green spaces at ang kasiglahan ng maliliit na negosyante?
Wala tayong magandang balita tungkol sa programang maayos tungkol sa pagbawas ng polusyon at maayos na waste management.
Base sa legacy na iniwan ni Yorme Isko — na hindi nasundan ni Dra. Lacuna, batay sa mga survey, kung ngayon ang eleksiyon, masakit sabihin ang karaniwang sinasabi ng mga kanto boy.
Kakain ng alikabok sa karera sa cityhall ang makakalaban ni Yorme Isko!
Pero ang sabi ni Yorme Isko, ang pagkakaibigan o ang pagiging “mag-ate” at relasyong parang isang pamilya ay natatapos kung ang nakataya ay ang kapakanan, kabutihan ng mga mamamayan ng Maynila.
Tama na unahin ni Moreno ang kapakanan ng mas maraming Manilenyo — na ito, kung tutuusin ang tunay niyang “pamilya” noong siya ay maging Ama ng Lungsod noon.
At nais niya, bilang Ama ng Maynila, ibabalik niya ang sigla, ningning ng siyudad at ang pagbangon ng “Bagong Maynila.”
Tama si Yorme Isko: matatapos ang pagkakaibigan (personal man o sa pulitika), kung ang nakataya ay ang kapakanan at kabutihan ng mamamayang Manilenyo.
Wala rito ang personalan, tama at maayos na seribyo lamang, at iyan ang nais ni Yorme Isko Moreno.
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe lang sa [email protected]