WALANG naiulat na kahit isang Filipino sa Vietnam ang tinamaan coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito ang tiniyak ni Philippine Embassy in Hanoi Charge d’affaires Paul Vincent Uy.
Ayon kay Uy, naging mabilis at epektibo ang ginawang hakbang ng pamahalaan ng Vietnam para makontrol ang pagkalat ng COVID-19 sa kanilang bansa.
Kabilang na rito ang agad na pagsasara ng kanilang border sa China, mahigpit na polisiya sa quarantine at puspusang contact tracing.
Gayunman, sinabi ni Uy na hindi naman nakaligtas mula sa epekto ng COVID-19 pandemic ang pangkabuhayan ng mga Filipino sa Vietnam.
Ilan sa mga ito ang nawalan ng kita matapos na maisailalim sa ‘no work no pay’ arrangement o magsara ang mga pinagtatrabahuang negosyo roon.
Tiniyak naman ni Uy na patuloy na tinutulungan ng embahada ng Filipinas ang mga Filipino na naapektuhan ng pandemiya. DWIZ882
Comments are closed.