WALANG PINOY NA APEKTADO SA WOOLSEY FIRE

WOOLSEY FIRE

USA – WALANG Pinoy na nabiktima sa naganap na sunog sa Woolsey sa Southern California, ayon kay Adelio Angelito Cruz, ang  Phil-ippine Consul General sa Los Angeles.

Ipinaliwanag ni Cruz na iba ang Woolsey Fire sa nakalipas na Northern California fire.

“Sa ngayon, wala pa kaming natatanggap na tawag mula sa ating kababayan na sila ay naapektuhan nitong Woolsey Fire,” ani Cruz.

Samantala, batay sa nakarating na ulat mula sa Department of Foreign Affairs (DFA), 88 percent na ang naapula sa apoy habang tatlo ang nasawi.

“Noong mga nakaraang araw, kahit na malayo po ang ating kinalalagyan, kitang-kita po na malabo ang himpapawid dahil po ito sa sunog at malakas na hangin,” ayon kay Cruz.

Aabot naman sa 97 acres o 39,000 ektarya ang apektado ng sunog habang pinayuhan ni Cruz ang mga Filipino roon na mag-ingat at agad humingi ng ayuda sa US Red Cross. PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.