PASAY CITY – TINIYAK ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Filipino na nasaktan o nasawi sa pag-tama ng lindol sa Albania.
Naganap ang 6.4 magnitude na lindol noong Martes, Nobyembre 26 ng madaling araw.
Batay sa Philippine Embassy sa Rome, Italy, na may hurisdiksiyon sa Albania, madalas ang komunikasyon nila sa Philippine Honorary Consulate sa Tirana at sa Filipino community leaders sa Albania para sa update ng insidente.
“So far, there has been no report of any Filipino by the earthquake,” ayon sa DFA.
Sa pinakahuling ulat, umabot na sa 30 katao ang nasawi habang nailigtas ng Italian rescue team ang anim na pamilya kabilang ang mga kabataan na na-trap sa pagguho ng kanilang bahay. EUNICE C.
Comments are closed.