SAPPORO – NABUNUTAN ng tinik sa dibdib ang Department of Foreign Affairs (DFA) makaraang makumpirmang walang Filipinong nasaktan mula sa pagsabog sa isang restaurant sa Sapporo, Japan
Gayunpaman, patuloy ang imbestigasyon ng Japanese authorities sa nasabing aksidente kung saan 42 katao ang nasugatan.
“According to the Philippine Embassy in Tokyo, police reported no Filipinos among the 42 individuals who were reportedly injured in the blast at a restaurant in Toyohara District in Sapporo,” pahayag ng kagawaran.
Kabilang sa mga ito ang ilang menor at isang babae na nabalian ng binti matapos tumalon sa gusali para makatakas sa sunog na dulot ng pagsabog.
Batay sa inisyal na pagsusuri ng awtoridad, posibleng gas leak ang sanhi ng pagsabog.
Dahil dito nakaranas din ng pansamantalang black out ang Toyohara district dahil dito. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.