WALANG PINOY NA NABIKTIMA SA PAGSABOG NG MT. ETNA SA ITALY

Mt. etna

WALANG Filipino ang nabiktima sa pagsa­bog ng Mt. Etna sa Sicily noong Lunes.

Ito ang anunsiyo ng Department of Foreign Affairs at sinabing wala silang natanggap na ulat hinggil sa mga nadamay na Pinoy sa nasabing kalamidad.

“The Philippine Embassy in Rome has been monitoring the situation of Filipino communities in Catania and Medina in Sicily,” ayon sa statement ng DFA.

Batay sa datos ng DFA, mayroong 2,325 Pinoy sa Medina at 624 sa Catania na pawang ligtas. EUNICE C.

Comments are closed.