WALANG PINOY NA NABIKTIMA SA UTRECHT TRAM SHOOTING

UTRECHT TRAM SHOOTING

THE NETHERLANDS –  INIHAYAG ng Department of Foreign Affairs (DFA) na wala silang natatanggap na ulat sa embahada ng Filipinas mula sa The Hague na may Pinoy na nabiktima ng tram shooting sa Utrecht.

Gayunman, tiniyak ni Ambassador Jaime Victor Ledda, na patuloy ang kanilang koordinasyon sa Dutch Police at Dutch Foreign Ministry upang matukoy kung may kababayang nabiktima sa nasabing insidente.

Pinaalalahanan na rin ng DFA officials ang mga Filipino roon upang hindi mabiktima ng te­rorismo.

Nakidalamhati na rin ang kagawaran sa sinapit ng The Netherlands bunsod ng Utrecht violence na kumitil sa tatlong katao at sumugat sa limang iba pa.

Samantala, arestado na rin ang namaril sa tram na si Gokmen Tanis, 37-anyos, na ilang beses nang naaresto dahil sa iba’t ibang krimen.

Itinaas na rin nila ang terrorism threat sa nasabing probinsiya.

Inihayag ni regional prosecutor Rutger Jeuken na madalang ang pamamaril sa Utrecht na mayroong kabuuang 340,000 populasyon.    EUNICE C.

Comments are closed.