WALANG PINOY NA NADAMAY SA LINDOL SA HAITI

INIHAYAG ng Palasyo ng Malakanyang na walang nasugatang Pinoy sa tumamang magnitude 7.2 na lindol sa Haiti.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na batay ito sa inisyal na ulat ng Department of Foreigh Affairs (DFA).

Nilinaw nito na hindi sa Port-au-Prince ang sentro ng lindol kung saan maraming Pilipino ang naninirahan.

Nagparating naman ng pakikisimpatya si Pangulong Rodrigo Duterte sa Haitian government at sa mga residenteng naapektuhan ng malakas na lindol.

Umabot na sa 1,297 ang bilang ng mga nasawi sa nasabing pagyanig.

8 thoughts on “WALANG PINOY NA NADAMAY SA LINDOL SA HAITI”

Comments are closed.