PASAY CITY –INAMIN ng Department of Foreign Affairs (DFA) na kanila pang sinisiyasat kung may mga Filipino na nasugatan o nadamay sa pamamaril sa isang gaming complex sa Los Angeles, USA.
Ayon kay LA Philippine Consul General Adelio Angelito Cruz, nag-ugat ang shooting incident nang magtalo ang dalawang grupo sa bowling alley ng isang gaming complex sa Torrance, Los Angeles.
Una nang napaulat na tatlo katao ang nasawi habang apat na iba pa ang sugatan nang magkagulo sa lugar na may layong 32 kilometers south ng LA.
Batay sa record, mayroong 4,000 Filipinos sa nasabing coastal city ng Torrance, na may populasyon na 150,000. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.