WALANG PINOY NA NASAKTAN SA BOSTON EXPLOSION

BOSTON EXPLOSION

USA – WALANG ulat na natanggap ang Department of Foreign Affairs na na­damay sa serye ng gas explosion sa Boston City, Massachusetts.

Sa ulat, anim katao ang nasugatan habang halos 40 bahay at gusali mula sa tatlong komunidad sa Boston ang naapektuhan ng pagsabog.

Kabilang sa mga ginagamot sa ospital ang isang firefighter, habang daan-daang katao na rin ang piniling lumikas.

Sa inisyal na ulat naman ng fire investigators, pinaniniwalaan na ang “over-pressurization of a gas main” na pag-aari ng Columbia Gas of Massachusetts ang pinagmulan ng mga pagsabog.

Sinasabing inanunsiyo ng Columbia Gas, unit ng NiSource Inc, na magsasagawa sila ng pag-upgrade sa mga gas lines sa Boston ngunit hindi pa batid kung kanila na itong si­nimulan.

Upang hindi lumawak ang apektado ay  pinutol muna ang ilang power supply sa lugar. PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.