WALANG PINOY SA BANGLADESH PLANE NA MUNTIK MA-HIJACK

BANGLADESH PLANE

PASAY CITY – WALANG Filipino na nakasakay sa Biman Bangladesh flight nang muntik itong i-hijack.

Ito ang sketchy report ng Department of Foreign Affairs (DFA) hinggil sa ulat ng Reuters na nagkaroon ng attempted hijacking sa isang eroplano na galing ng Chittagong, Bangladesh pabalik sa Dubai noong Linggo.

Sinasabing nag-emergency landing ang nasabing eroplano sa  Chittagong  nang isang pasahero ay kumilos ng kakaiba at tila nagtangkang i-hijack ang kanilang kinalululanan.

Batay sa report ng Philippine Embassy sa Dhaka, isang pasahero ang kumuka ng baril nang mag-take off  ang eroplano at tinangkang i-hijack ang Biman Bangladesh Flight BG-147.

Iniulat naman ni Bangladeshi Civil Aviation and Tourism Secretary Mohibul Haque na nag-emergency landing sila sa Chattogram airport lulan ang 142 passengers na pawang ligtas naman habang inaresto ang lalaki.  AIMEE ANOC

Comments are closed.