WALANG PINOY SA BUMAGSAK NA LION AIR

Lion Air passenger plane crash

WALANG nadamay na  Pinoy  sa bumagsak na Lion Air passenger plane ng Indonesia.

Sa kabila nito ay nagpaabot ng pakikiramay at panalangin ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa Indonesia at sa  mga naulilang  pamilya ng mga nasawing pasahero at crew ng flight JT 610.

Iniulat na 13 minuto pagkatapos mag-take off  ng eroplano sa Jakarta ay hindi na nila ito nakontak.

Tumanggi rin si Lion Air group Chief Executive Edward Sirait na magkomento sa insidente dahil patuloy  silang  kumukuha ng impormasyon  kaugnay sa  plane crash.