WALANG nakikitang masama si Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez kung humingi man ng assistance ang local governmemt units (LGUs) sa Visayas at Mindanao kay Vice President Leni Robredo para mapalawig sa rehiyon ang kanyang programang COVID Vaccine Express.
Sa panayam ng RMN network kay Rodriguez, ipinaliwanag nito na kapakanan ng mga residente ang prayoridad at hindi dapat pairalin ang politika.
Aminado si Rodriguez na maganda ang Express o Drive Thru Vaccine Initiative ni Robredo kaya nagpasaklolo na ito sa Office of the Vice President para mapabilis ang pagpapabakuna sa mga probinsiya,aniya, kung sa Maynila ay nasa 600,000 na ang nabakunahan, sa Cagayan de Oro ay nasa 70,000 pa lamang habang mas mababa pa sa ilang probinsya.
“Walang politika dito because cases in Cagayan de Oro is still very high, Davao City is still very high same with Zamboaga,Butuan City in Mindanao, Iloilo and Bacolod City in Visayas and Albay in Bicol,” paliwanag ni Rodriguez.
“I asked VP Leni pero walang politika dito,” giit pa ni Rodriguez.
Aniya, obligasyon ng mga LGU na makakuha ng bakuna para sa kanilang mga constituents at nakita nya ang pagkakataon na ito sa programa ni Robredo.
Taliwas naman ang pananaw ni Rodriguez sa nauna nang naging pahayag ni Davao City Mayor Sarah Duterte. Matatandaan na kamakailan ay minasama ni Mayor Duterte ang suhestiyon ni Robredo na gayahin ng Davao City ang Covid approach ng Cebu City.
Ani Robredo, mas malaki ang populasyon ng Quezon City subalit nangunguna ang Davao City sa mga LGU na may mataas na naitatalang kaso ng COVID kada araw.
“The Vice President should refrain from giving advice if she knows nothing about what is happening on the ground,” nauna nang pahayag ni Mayor Duterte kung saan tinuran pa nito na kulang sa pang-unawa at kaalaman si Robredo at walang maitutulong para maresolba ang problema.
786858 289883I truly treasure your piece of function, Great post. 334535
920918 304450Really clear internet site , thanks for this post. 343207
61317 73922If running proves to be a issue then it may be wise to find alternative exercises such as circuit training, weight training, swimming or cycling. 227054
790332 687992I actually treasure your piece of function, Wonderful post. 858354