WALANG PONDO SA PLEBESITO SA BOL

Rep-Khalid-Dimaporo

HINDI  na naisama sa P3.757 trillion budget ang pondo para sa plebesito ng Bangsamoro Organic Law.

Sa budget deliberation sa plenaryo, ipinaliwanag ni Lanao del Norte Rep. Khalid Dimaporo na hindi na naisama sa 2019 General Appropriations Act ang alokasyon para sa plebesito ng BOL.

Paliwanag nito, naisumite na kasi sa Kamara ang panukalang budget bago pa man naaprubahan at naisabatas ang BOL.

Mangangailangan ng P857 million para sa plebesito sa BOL na target sanang idaos sa Enero ng susunod na taon.

Dito ay malalaman kung sasang-ayon o hindi ang mga residente sa mga lugar na masasakop ng Bangsamoro Region.

Tiwala naman si Anak Mindanao Rep. Makmod Mending na may panahon pa para paglaanan ng pondo ang isasagawang plebesito.

Sinabi naman ni Dimaporo na may mahuhugot pa na savings ang Comelec at may maaasahang pondo mula sa Malakanyang para matuloy ang plebesito sa BOL.  CONDE BATAC

Comments are closed.