IGINIIT ni Budget Secretary Benjamin Diokno na walang naisingit na pork barrel sa 2019 national budget.
Ayon kay Diokno, nag karoon ng pag-amyenda sa national budget sa Kamara subalit inamin niya na may kapangyarihan ang mga miyembro nito na amyendahan ang National Expenditure Program na isinumite ng Malakanyang.
Ang pahayag ni Diokno ay bilang tugon sa pandidik dik ni Senador Panfilo Lacson na naglaan ng tig-P60 milyon sa kanilang mga programa at proyekto ang mga miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Giit ni Lacson, hindi na konsulta ang Department of Budget and Management (DBM) sa ginawa ng mga kongresista.
Gayunman, sinabi ni Diokno na walang paglabag sa batas kung hindi sila nakonsulta ng mga mambabatas.