WALANG PRICE HIKE SA NOCHE BUENA ITEMS

NOCHE BUENA ITEMS

WALANG inaasahang pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin at produkto ngayong Kapaskuhan, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).

“‘Yung demand mahina naman kaya ‘di natin inaasahang tataas ang mga presyo ngayong Kapaskuhang ito,” wika ni DTI Secretary Ramon Lopez.

Ayon kay Lopez, magtatakda pa rin ang mga kompanya ng suggested retail price (SRP) ng Christmas products para maging gabay ng mga mamimili.

Gayunman, umaasa ang kalihim na hindi sumobrang bagal ang demand para matulungan ang mga negosyo na makarekober makaraang labis na maapektuhan ng COVID-19 pandemic.

“Sana ang mga kababayan natin mamili pa rin nang mamili,” ani Lopez.

Ayon kay Lopez, hirap pa ring makarekober ang mga negosyong nagsara o nagsuspinde ng operasyon dahil sa pandemya.

“‘Yung mga bagong bukas, ibig sabihin ‘yung mga dating isinara like the restaurants o kaya ‘yung mga iba sa manufacturing ‘yung mga non-essential, medyo struggling hindi pa kaagad bumalik ‘yung pre-COVID na volume nila. Ang range siguro 20 to 40 percent lamang nag-aadjust pa,” sabi pa ni Lopez.

Comments are closed.