INIHAYAG ni Speaker Lord Allan Velasco ang pagtugon ng Manila Electric Company (Meralco) sa kahilingan niya na palawigin ang ipinatutupad nitong ‘no disconnection’ policy, na sa halip na sa darating na Disyembre 31 magtatapos ay sa katapusan na lamang ng Enero ng papasok na taon.
Ayon sa lider ng Kamara, malugod niyang tinatanggap at ipinagpapasalamat ang hakbang na ito ng Meralco, na maituturing aniyang pakikiisa ng utility company sa diwa ng bayanihan sa gitna ng nararanasang COVID-19 pandemic.
“The extended grace period being given to our fellow Filipinos during the holiday season will provide much needed reprieve to those reeling from the devastating effects of the pandemic and natural calamities,” sabi ni Velasco.
“This good gesture on the part of Meralco will go a long way in helping our kababayans feel secure this Christmas,” dugtong pa niya.
Nabatid na noong Nobyembre 30 nang sumulat si Velasco kay Meralco President Ray Espinosa na humihiling na huwag munang putulan ang mga customer nito kahit na may pagkakautang pa sa monthly bill sa kabuuan ng Christmas season hanggang sa Enero 2021.
Paggigiit ng House Speaker, ang pagkakaroon ng extension sa ‘no disconnection’ policy ay makatutulong na pagaanin ang bigat ng pasanin ng maraming Meralco customers sa patuloy na pakikipaglaban ng mga ito sa hamon ng pandemya.
“We appreciate that Meralco had extended the same courtesy during the height of the nationwide lockdown and we expect that the company will be as considerate this yuletide season,” nakasaad pa sa liham ni Velasco.
Sa kanyang ipinarating na tugon, sinabi Espinosa kay Velasco na matapos ang masusing pag-aaral at bilang konsiderasyon sa nasabing kahilingan ng huli, itutuloy ng Meralco ang ‘no disconnection’ policy sa non-payment of bills mula Disyembre 31, 2020 hanggang Enero 31, 2021.
Ang extended grace period na ito, ani Espinosa, ay makatutulomg sa mahigit na tatlong milyong Meralco customers, partikular ang mga kumonsumo ng 200 kilowatt per hour pababa, base sa December 2020 billing.
“The number represents around 47 percent of Meralco’s total customer base,” sabi pa ni Espinosa. ROMER R. BUTUYAN
Comments are closed.