WALANG PUTULAN PALAWIGIN

Ako Bicol Party-list Rep Alfredo Garbin

NANAWAGAN si Ako Bicol Partylist Rep. Alfredo Garbin sa pamahalaan at sa Inter-Agency Task Force (IATF) na palawigin ang suspensiyon sa service disconnection sa utility bills at sa eviction sa mga inuupahan.

Ang hirit ng kongresista ay kasunod na rin ng pagpapalawig pa ng isang taon sa deklarasyon ng  ‘state of calamity’ sa bansa.

Umapela si Garbin sa gobyerno at sa mga regulator na huwag munang magpatupad ng disconnections at ipa-evict sa kanilang mga inuupahan ang mga renter hanggang January 31, 2021.

Hiniling din ng kongresista na ipagbawal muna ang pagtataas ng rent rates at interest rates habang may pandemya.

Inirekomenda ni Garbin na payagan ang staggered payments o installment na bayad at debt o payables restructuring upang kahit papaano ay mayroon pa ring papasok na kita sa mga creditor at mapapanatili pa nila ang mga kliyente.

Iginiit ng kongresista na sa panahong ito ay hindi pa nakakabawi ang mga households at mga negosyo kaya kinakailangan ng mga ito ng sapat pang panahon para kumita at makapag-ipon para may maibayad sa kanilang utility bills at mga renta.      CONDE BATAC

Comments are closed.