WALANG RED TIDE O SAKIT SA MGA ISDANG MAKUKUHA SA MANILA BAY—BFAR

isda

NILINAW ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na walang red tide o anumang nakamamatay na sakit na maaaring makuha sa mga isdang makukuha sa Manila Bay.

Ito’y kasunod ng fish kill na nangyari sa dalampasigan ng Las Piñas at Parañaque.

Giit ng BFAR, namatay ang mga isda roon dahil sa kakulangan ng dissolved oxygen sa dagat. Ibig sabihin, hindi nakahinga ang mga isda.

Comments are closed.