WALANG SAP SA 2022 BUDGET -DSWD

WALANG  alokasyon ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa Special Amelioration Program (SAP) sa 2022.

Ito ang kinumpirma ni Appropriations Vice Chair Jocelyn Limkaichong sa naging pagtatanong ni Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas kung may ayuda bang nakapaloob sa budget ng DSWD.

Inamin ni Limkaichong na kahit sa original budget proposal ng ahensiya ay wala ring alokasyong pondo para sa SAP dahil mangangailangan muna ng special law para ma-incorporate ito sa DSWD.

Pero aniya, may budget ang DSWD para sa kanilang major programs tulad sa social protection program kung saan dito nakapaloob ang tulong para sa iba’t ibang sektor na apektado rin ng pandemya.

Sinabi ni Limkaichong na kung tutuusin, kahit wala mismo ang SAP tulad sa Bayanihan 1 at 2, ay dinagdagan pa nga ng DBM ang budget para sa “social protective services for individuals and families under difficult circumstances” ng P10 billion mula sa original budget na P8 billion kaya sa kabuuan ay aabot na ito sa P18 billion.

Nilinaw naman ng kongresista na sponsor ng DSWD budget na bukod sa DSWD ay maraming ahensiya ng gobyerno ang tumutugon sa kahirapan sa bansa at sa epekto ng pandemya.

Bukas naman ang DSWD sakaling amyendahan ng Kongreso ang alokasyon ng ahensya kung kinakailangan para magkaroon ng pondo para sa SAP. Conde Batac

6 thoughts on “WALANG SAP SA 2022 BUDGET -DSWD”

  1. 67677 813089Exceptional weblog here! In addition your internet site rather a whole lot up quickly! What host are you the usage of? Can I get your affiliate link to your host? I wish my site loaded up as fast as yours lol 18877

  2. 399585 446512Your home is valueble for me. Thanks!? This web page is really a walk-via for all of the info you required about this and didn know who to ask. Glimpse proper here, and you l undoubtedly uncover it. 366152

Comments are closed.