NANINDIGAN ang pamunuan ng Manila Police District (MPD) na wala silang ibinigay na anumang uri ng special treatment kaugnay sa pagkakaaresto ni dating Foreign Affairs Secretary at dating Security Exchange Commission Chairman Perfecto Yasay.
Ito ang inihayag ni MPD Director P/Brig General Vicente Danao sa panayam ng media at sinabing “Kahit sino ka pa kong may warrant ka dapat lang na makulong kong saan nararapat.”
Nang tanungin si Danao kung may request o hiniling si Yasay nang sila ay magkausap, sinabi nito na wala naman ni-request ang dating opisyal at sa halip ay wiling pa itong sumunod sa lahat ng patakaran at very cooperative pa.
Dagdag pa ni Danao na habang magkausap sila ni Yasay ay nakaramdam ito ng paninikip ng dibdib kaya ipinatawag ang doktor ng MPD na si Cpt Christopher Estepa upang alamin ang kondisyon nito kung saan tumaas ang BP nito sa 160/100 kaya agad na dinala sa Manila Doctors Hospital.
Pinayuhan naman ng attending physician ni Yasay na kailangang manatili ito sa ospital ng buong magdamag upang mabantayan at ma-monitor ang kanyang kalusugan.
Kaugnay nito, pansamantalang makalalaya si Yasay makaraang magpiyansa ng halagang P240,000 sa Manila Regional Trial Court Branch 10. PAUL ROLDAN
Comments are closed.