WALANG TAO ANG GUSTONG MAGKA-COVID – YAP

“NAGHAHANAP ng pera o makakain kaya marahil lumalabas ang mga tao sa bahay kahit hindi naman “APOR” o Authorized Persons Outside Residence.

Ito ang reaksyon ni ACT-CIS Partylist Cong. Eric Yap sa isang radio interview kung bakit pilit na lumalabas pa rin ng bahay ang ilang tao kahit enhanced community quarantine (ECQ) na sa NCR Bubble Plus.

“Wala namang gustong magka-COVID pero kung kumakalam na ang sikmura ng iyong pamilya, hahayaan mo na lang ba, lalo na kung ikaw ay isang ama at asawa?”ani Yap.

“Mahirap husgahan ang mga tao na nasa labas ng bahay. Hindi lahat ay namamasyal o tsismis o alak ang hanap…marahil pagkain para sa pamilya ang lakad niyan,” dagdag pa nito.

Kaya pakiusap nito sa pamahalaang nasyunal at lokal, ibaba na ang mga ayuda lalo pa’t na extend ang ECQ hanggang Abril 11 sa Metro Manila at karatig pro­binsya. PMRT

2 thoughts on “WALANG TAO ANG GUSTONG MAGKA-COVID – YAP”

Comments are closed.